*disclaimer: all the words that was italicized are the story that the character Louie created - hopelessparalyze ©
Sabi ng mga matatanda, noon daw ang tao ay binubuo ng dalawang ulo, apat na kamay, at apat na paa sa iisang katawan… kahindik-hindik man ang itsura nila, sila’y masaya’t puno ng pagmamahalan… at dahil dito, sila’y kinainggitan ng mga Diyos na lumikha sa kanila at sila’y pinaghiwalay ng mga ito’t isinumpang habang buhay nilang hahanapin ang kanilang mga kabiyak…
Ako si Louisa Marie Angeles… Louie for short… 5’11-6’ ang height, medium built, boyish cut hair, Chinese eyes with glasses, and with cute set of dimples… para akong replica ni kd lang sa edad kong 28… isa akong full time ICU nurse sa isang tertiary hospital at isa din akong freelance writer… at this point in life masasabing nasa akin na ang lahat: sariling condo, savings, magandang gamit, kotse, damit, permanenteng trabaho at isang maliit na negosyo… ngunit ang totoo… kahit ganun ang buhay ko parang kulang pa din…
8:00 am na ng makaalis ako sa ospital, madaming pasyente ngayon, holiday kasi… madaming naaksidente, nagsaksakan, at nagkakasakit… normal lang ang ganitong scenario sa’king mga mata ngunit parang nakakastress pa din kaya naisipan kong magtungo sa isang tahimik na lugar malapit sa aking tinitirhan… dun ko na ding tatapusin ang istoryang matagal ko ng ginagawa… halos wala pa kasing ending, kinukulit na ako ng editor namin…
Tahimik sa park Ngayon, maaga pa kasi… mga runners, walkers, at oldies pa lang ang andito…
Tahimik akong umupo sa pinakamalapit ng bench at doo’y sinimulang basahin ang isinulat kong istorya… wala pa akong ending… gusto ng editor masayang ending… kaso kahit anong gawin ko talagang hirap na hirap akong gawin iyon…
“Marami na akong nakitang relasyong perpekto kung titignan… super saya na parang hindi maghihiwalay… then after few years that love fades away leaving scars on both hearts…
Sa totoo lang, I don’t believe on near-perfect relationship… it won’t last long… nakakasawa… nakakabagot… things became different when I met her…
Dapit hapon na… at andito pa din ako, nakaupo… umaasang makikita ko ulit siya… ang babaeng nagpapahinto ng pagtibok ng aking puso sa tuwing kami’y magkakatinginan… nagpapahirap sa’king paghinga tuwing siya’y ngingiti… at nagbibigay sa’kin ng ligaya sa tuwing akoy’ kanyang hahawak…ka..”
“SWOOSH!!!”
“Badtrip!!!” at nilipad ng malakas na hangin ang buong manuscript ko… Hay, para akong tanga sa kakahabol… pinagtatawanan pa ako… nakakahiya na… sana matapos na ito… “Asan na ba yung iba?” hay, peste talaga… “what a day!?” hindi pa din tumitigil ang tawanan… ang iba’y tumulong na sa pagpupulot…
“S-Salamat po…” hangos kong saad sa mga taong tumulong… umupo ako ulit at binilang ang papel… “one, two, three, four… ten, eleven, twelve, thirtee… anak ng! kulang!... yung papel para sa ending!” muli akong tumayo para hanapin ito…
“Sana nasa malapit lang… nakakahiya pag may makabasa… hindi pa maayos yun… asan ka na ba? Ano na bang nakasulat dun? Uulitin ko na lang… kaysa maghanap pa ako… hay…”
Ok… hindi ako ganun kagaling magsulat na parang silang Nicholas Sparks… kung tutuusin pang high school ang dating ng mga stories ko… ang malupit pa dun tragic ang ending… kaya hindi talaga maganda… bitin pa kung minsan, kaya nakakahiya pag may makabasa nun…
Suko na ako… wala na talaga siguro… aalis na lang ako… tumitingin na kasi ang mga tao… yung iba, tumatawa pa din… nakakatawa naman talaga… akma na akong tatayo nang…
“Hi! Eto yung last piece ng paper mo…”
Ang sarap pakinggan… pag tingala ko’y… ang ganda ng ngiti niya… long shiny hair na pag nasikatan ng araw nagiging brown ang kulay, matangos ang ilong, perfect set of dimples, at ang kanyang mga mata… hazel eyes… biglang tumigil ang mundo ko…
“Eto yung paper mo…”
Inabot ko ang papel at nagtama ang aming kamay…
Wow… may electricity… kakaiba… ang hirap huminga…
“Salamat…”
“Sam... Samantha Mendoza ang pangalan ko…”
“Louie… Louisa Marie Angeles…” at ngumiti ako sa kanya…
Umupo siya sa tabi ko… habang inaayos ko na ang mga papel at akmang ilalagay sa bag ko… “So, nagsusulat ka pala ng love stories… particularly same sex stories…” wika niya at agad akong namula sa sinabi niyang yun…
Yup… yun ang forte ko… Lesbian stories to be exact… pero tragic… wala pa akong nakikitang same sex na nagkatuluyan sa huli… kahit in reality…
“Yup… freelance writer…” sagot ko…
“Maganda yung supposedly ending mo… kaso tragic… why not change it? Para happy ending… kawawa naman yung bida…”
“Umm… hindi ko kasi forte ang happy ending eh… pumapanget kasi yung story ko pag ganun… pero try ko… salamat…” at ako’y tumayo na…
“Sana pag tapos mo na yung story mo mabasa ko ng buong-buo… at hopefully… happy ending yun…” pahabol niyang saad habang nakangiti …
First time sa tanang buhay ko ang may magsalita ng ganun… yung ibibigay niya yung opinion niya ng hindi ko tinatanong… at first time ko din ngumiti after several years… nakalimutan ko nang tumawa at ngumiti… at masarap pala sa pakiramdam…
Masayahin naman ako… noong kasama ko siya… akala ko I’ve found my other half… almost perfect relationship… noong una naninibago kasi straight siya… bago sa same sex relationship… pero kinalaunan, ok naman… parang matagal na kaming magkakilala… hanggang we decided to get steady… pareho pa kaming nag-aaral noon… araw-araw kaming magkasama… at laging masaya…
Noong ika-28 month namin together, nagbabago ang lahat… hanggang maghiwalay kami sa dahilang hindi ko alam… that’s what they say “the feeling is mutual…” we’ve both decided to end the relationship… hangga’t ok pa kami at hindi nagkakasakitan… sabi nila, nagsawa na daw kami…
That was 6 years ago… pero nagbago ang buhay ko dahil dun… nawalan ako ng direction… ilang beses akong nagpapalit-palit ng work… naging sakit ng ulo ng magulang ko… hanggang napunta ako sa buhay ko ngayon… marangya ngunit kulang… masaya sa panlabas ngunit malungkot sa loob… isang seryoso at masungit na Louie…
7:00 am Day-off… after gumising at magbabad sa exercise at ligo, ito na naman ako nakatanga sa harap ng mesa at kaharap ang papel at bolpen… nag-iisip ng magandang ending… ngunit kahit anong gawin ko tragic pa din…
Sulat… basa… tapon… paulit-ulit…
Nag ring ang phone… nag alarm ang relo…
Sulat… basa… tapon… ok… madami ng nasayang…
Madami ng puno at pugitang nagamit… ayoko na!
Break muna…
Nagpalit ako ng damit at naglakad-lakad… dinala ako ng mga paa ko sa lugar kung saan ako napahiya kahapon… kung saan tahimik ang mundo… magkasintahang naglalakad… mag-asawang masayang nakaupo at nagkukwentuhan… at mga batang tumatakbo’t naglalaro…
“This is life…” saad ko habang nag-uunat at ipipikit ang mga mata…
“Yup… this is indeed life…”
Ang boses na ‘yon… agad kong nilingon ang may-ari ng magandang boses na ‘yon…
“Hi Louie! Nakita kitang naglalakad papunta dito kaya sinundan kita… Ok lang ba if I join your world?”
“Yup… Free lang ang entrance…”
At natawa siya… ang sarap pakinggan ng tawa niya… parang maliliit na kampana…
“Nice punch line ha… So, anong ginagawa ng isang Louie Angeles dito sa lover’s park ng mag-isa?
Lover’s park?! Huh? Eto ba pangalan nito? Ang tagal ko ng tiga dito pero hindi ko alam na lover’s park pala ang pangalan nito…
“Umm… naghahanap ng inspirasyon para sa ending ng istorya ko… baka sakaling makakita ng happy ending sa reality…”
Ngumiti siya at… “Alam mo… bawat tao sa mundo, may kanya kanyang ending ng love life… siguro mostly ng nakakita mo tragic… pero ang totoo Louie… lahat ng tao may kanya kanyang happy ending… lalu na kung makikita mo ang other half ng buhay mo…”
Tama… ang soul mate ng buhay ko…
“Pero Samantha… paano kung yung soul mate mo ang mismong nang-iwan sa’yo?”
“Tsaka pa lang papasok ang tragic ending… pero Louie kung soul mate mo talaga siya… hindi ka niya iiwan… which means hindi siya ang kalahati ng katawan mo na bubuo ng…”
“Dalawang ulo… apat na kamay… apat na paa… at magiging masaya… tama?” ngiti kong saad…
“How’d you know about that?”
“Kwento ng lolo ko… every person has his/her own other half… andyan lang daw yun…”
“Yup… tama siya… just need to listen to what your heart says… and it will lead you there…”
Kaya ba ako andito ulit? Dahil dito ko makikita ang happy ending ko… tinignan ko siya… tumingin din siya sa’kin… tumigil na naman ang mundo ko… ano bang meron ang babaeng ‘to? As if she knows me too well…
“GRRROOWWWLL!!!”
“Ooppss… sorry… gutom na ako… hindi pa kasi ako nagbreakfast… ok lang ba if we could go out and have brunch together Samantha?”
“Are you asking me for a date?”
Date?! 1st time kong nakausap siya ng matagal tapos…
“Ummm… parang ganun na nga… yup… and I’d like to know about you more… if that’s ok…”
“Sounds great! May alam akong malapit lang dito… lika na…” at agad niyang hinawakan ang kamay ko’t hinila ako papunta sa resto na talagang very memorable sa’kin…
Delicioso… yan ang pangalan ng restaurant na malapit sa park… tambayan ko ito… dito ako unang sinagot ng naging girlfriend ko dati… dito kami nagcelebrate ng mga anniversaries namin… at dito din kami naghiwalay… at dito din ako nagbuhos ng sama ng loob…
Agad kaming pumasok at umupo sa pinakamalapit na booth… nakangiti siya sa’kin at nakatingin sa’king mata… may spark ang kanyang mga mata…
“So what do you want Louie?”
“Hmm… carbonara at iced tea… ikaw?”
“Same as yours…” at siya’y ngumiti ulit…
“So tell me more about yourself Samantha aside from being a regular person at the park and strolling as past time…”
“Well, madami akong work… isa akong full time chef at part time musician… nasa Boston na ang family ko… mahilig akong gumawa ng kanta: pop, ballad, slow rock… name it… I can sing… living near this place… single and available… kaw?”
At dumating na ang food… nakatingin pa din siya sa’kin… nakangiti…
“I’m a nurse sa isang tertiary hospital malapit lang dito and freelance writer sa isang magazine… living two blocks away from here… medyo tahimik ang mundo ko… papel at pen lang ang kaibigan…”
“Ok lang… kahit hindi ka masyadong magsalita…I understand… I know deep inside you, you’re still mending a broken heart… hindi madali yan… I’ve been there… done that… but still I’m here… standing strong despite everything… Ilang taon na ba?”
“6 years…”
“Tagal na… protecting your heart? Or being cautious not to love again?”
“Both… Sort of…”
“I understand…” at hinawakan niya ang kamay ko…
May kuryente talaga pag hinahawakan niya ako…
“Salamat…”
At nagpatuloy kami sa pagkain… after that hinatid ko siya sa condo niya… walking distance lang… habang naglalakad ako pauwi, nakaisip ako ng sobrang daming idea para sa story ko… madaming lumilipad na words… dali-dali akong umuwi…
“hindi pa din ako sumuko… ilang oras ang lumipas at dumating din siya… at nagkatinginan kami… parang huminto lahat… dahan dahan siyang umupo sa tabi ko… nakatingin siya sa’king mga mata at buong pusong sinabing…
Salamat naghintay ko… hindi ko matiis na hindi kita makita ulit… mahal kita… mahal na mahal…
Hindi kita kayang iwan… alam mong ikaw lang ang buhay ko… ikaw lang ang nagpapaikot ng mundo ko…
Mahal kita…”
Pagkatapos nang araw na ‘yon, ang pagkikita nami’y nasundan pa ng isa, dalawa, at maraming beses pa…constant text mates din kami… masaya siyang kasama… makulit… makwento… para siyang bata… no dull moments… puro ngiti at halakhak lang…
Unti-unti na din akong nag-oopen sa kanya… ang dating seryosong Louie ay napalitan ng ngiti… paminsan tumatawa… sa mga simpleng patawa niya… madami na din akong nakwento sa kanya…tinulungan na din niya ako sa ibang stories ko… mula sa tragic endings, paunti-unti nagiging happy ending na…
May mga moments na nagpapalitan kami ng tingin… ang simpleng touch sa isa’t isa ay nagiging routinary na… pinagluluto niya ako… minsan may mga sleepovers kami…
Minsan sa isang sleepover session namin… tahimik kaming nanonood ng rent movie… bigla ko siyang natitigan… sa position naming ito para kaming magboyfriend-girlfriend… nanonood ng sine together… ang ulo niya nasa balikat ko… magkaholding hands kami… biglang bumilis ang tibok ng puso ko…
At dahan-dahan kong hinalikan ang noo niya…
That’s our life… sleepovers… watching movies, eat out at ang pinakafavorite strolling sa park… parang hindi kumpleto anf buhay ko pag hindi namin nagawa ang isa sa mga ito… lalu na pag hindi ko siya nakikita… nakakasama…
“Not again…” at ako’y yumuko…
Am I falling for her? Impossible… 6 years kong prinotektahan ang puso ko… hindi na ako babalik dun… ayoko na… masakit… pero if you look on the other side, parang perfect match… parang kami talaga para sa isa’t isa… everything works nice and slow…
RRIIINNNGGG!!!!
“Louie here…”
“Hey, got a sec?”
“Yup Sam… what about?”
“Can we have sleepover tonight? Umm… Please?”
“Ok… I’ll be there…”
8:00pm Manhattan Gardens, Rm. 407… nakatayo ako ngayon sa harap ng pinto ng condo nya… hindi ko alam kung papasok ako… kinakabahan ako… may nararamdaman na kasi ako for her… paano kung biglang may gawin ako sa kanya? At masira ang friendship namin?
Ding dong! Ding dong!
At bumukas ang pinto… andun siya… wearing her favorite pajamas… para akong sinalubong ng aking asawa after a long work day… agad niya akong hinila… may kakaiba sa mata niya… desire? Sinara niya ang pinto…
“Louie…”
“Sam…”
At biglang naglapat ang aming mga labi… and the rest is history…
Tahimik ang paligid ngunit pareho kaming gising… nakatingin sa mga mata…
“Sam…”
“No Louie… don’t talk… baka may masabi ka na dala lamang ng iyong damdamin ngayon at hindi ang tunay mong nararamdaman… ayokong pareho tayong masaktan…”
Niyakap ko siya at hinalikan sa noo… hanggang sa makatulog siya…
I know… this is right… we’re made for each other… everytime I look at her, alam kong siya ang soul mate ko… the one whom I want to spend the rest of my life with… bakit ba nagdalawang isip pa ako noon?
“at kami’y nagtanan… nagpakalayu-layo sa realidad… sa taong hadlang sa relasyon namin… Ngayon ko lang naramdamang tama ang lahat ng ito… at hindi ko ito isusuko…”
Amoy ng ulam ang tumambad sa’kin ng ako’y magising… parang panaginip lang…
“Hi Sweetie! Gising ka na pala… upo ka… niluto ko favorite mo…”
“Thanks!”
Nagsimula na kaming kumain…usually maingay… ngunit ngayo’y tahimik… panay sulyap sa isa’t isa… hahawak sa kamay… ngingiti… hanggang sa matapos kumain…
Nagtungo ako sa veranda pagkatapos magligpit… ang bilis ng pangyayari… anim na buwan na kaming magkakilala… at humatong kami sa ganitong sitwasyon… sa bawat tingin ko sa kanya alam kong para kami sa isa’t isa… natakot ba akong aminin sa kanyang… mahal ko siya?
“Penny for your thoughts?” at niyakap niya ako mula sa aking likod…
Hinila ko siya’t ikinulong sa’king bisig… tinitignan ko ang kanyang mga mata… I can see her sincerity, care, and love… now I know this is love… this girl is really in love…
“Sam, I’m happy… really… hindi ko alam kung paano nangyari… pero, you completely made me happy… you complete me… I’m… in love… with you… from the day I first saw you smile at me…”
“Aww… Louie… I fallen for you from the day I saw you picking up those papers… at the park… ang cute mo…” and then she smiles…
“Akala ko…”
“I’m straight? Nope… I’m not…”
At tumawa kami…
“I love you for the rest of my life… my only Louie…”
“I love you too… my better half… my Samantha…”
Tama nga sila… ang bawat isa ay may kanya-kanyang ending… at hindi mauulit ang nakaraan na… at kung tragic man ang ending sa simula… sa huli magiging happy ending din…
And I’m so blessed… to have my soul mate around me… the person whom I want to spend the rest of my life with…
“Masaya kaming nagsama hanggang sa tumanda kami… dinapuan siya ng malubhang sakit… at dahan-dahan siyang nanghina…hindi pa din ako nawalan ng pag-asa at patuloy ko siyang inalagaan at pinaglaban…
Ngayon andito ako sa tahimik na lugar kung san nakahimlay ang babaeng aking pinaglaban… tumagal pa siya ng tatlong taon bago siya tuluyang kinuha ng kanyang karamdaman…
Masakit ang nangyari… ngunit… masaya na din ako… dahil alam kong maghihintay siya sa’kin… at doon namin ipagpapatuloy ang aming pagmamahalan…
Hintayin mo lang ako dun… darating ako…”
nagugulahan ako bro. ^_^ masaya ba dapat ito? o tragic pa din? :P LOL! pero ok siya aside form minor typographical errors I think you have improved a lot on your style... practice pa bro. :)
ReplyDeletewell, this is happy ending tol for the characters sam and louie... yun naka Italicize, yun yung ginagawang story ni louie... hehe... thanks for the comment tol... yup... magpractice pa ako...
ReplyDelete